18,054.3 km2 (6,970.8 sq mi) ang laki ng Rehiyon ng Bicol. Isa ito
sa 17 rehiyon sa bansang Pilipinas.
Mga paliguan, bulkan at bundok, pasyalan, pista at iba't-ibang
produkto. Iyan ang mga bagay na ipinagmamalaki ng Bicol. Maliban dito ay
sasalubong din sayo ang mainit nilang pagtanggap sa mga bisita at turistang
dinadayo ang kanilang lugar. Uragon man kung sila ay tawagin dahil sa hilig
nila sa maanghang na pagkain ay kabaligtaran naman ng anghang ang kanilang mga
ugali at mga ngiti na sasalubong sa inyong imported na damit, sapatos at mga
gamit.
Bulkang Mayon, Bulkang Bulusan, Bundok Isarog, Bundok Iriga, Bundok
Malinao, Bundok Masaraga at Bundok Pocdol ay ang ilan lamang sa pinagmamalaking
yamang lupa ng Bicol. Unang beses mo pa lamang makita ang mga ito ay
mapapanganga ka na sa ganda nito. Sabayan pa ng malumanay na boses ng mga
Bicolano na magpapakilala sayo ng mga yamang ito ay sulit na sulit ang pagpunta
mo dito.
Pista ng Peñafrancia, Pista ng Magayon, Pista ng Pastores, Pista ng
Karangahan at Pista ng Ibalong ang ilan lamang sa mga pinagdiriwang ng mga
Bicolano. Marinig mo pa lamang ang mga kapistahan ay sigurado akong mamangha ka
na sa kasiyahang maidudulot nito sa iyo. Paano pa kaya kapag nasaksihan na ng
sarili mong mga mata ang mga pagdiriwang na ito? Maalala mo pa kaya ang
pangalan mo?
Sino nga ba ang hindi nakakakilala ng Bicol Express? Isang pagkaing
nanggaling sa Bicol mismo na taglay ang anghang ng katapangan ng mga Bicolano.
Isa pa dito ang Pili Nuts na tinatangkilik ng marami dahil sa sarap nito. Tanyag
din dito ang mga produktong galing sa abaka tulad ng tsinelas, bag at marami
pang iba.
Bicol nga naman ang isa sa ipinagmamalaki ng Pilipinas, kaya’t halika
na at masdan ang ganda ng Bicol!
Make money? What does money mean in sports betting
TumugonBurahinWhat do you do when you bet on sports? It is the easiest answer. 양주 출장샵 It is not an 광양 출장샵 easy task 안동 출장마사지 to have 충청북도 출장안마 a fun or หารายได้เสริม successful career. It can be